about the talking fish

My photo
Writer. Wheelman. Occasional DIY mechanic. Walking collection of hang-ups. Hopeless romantic. Old-school. Analog soul in a digital world. I am all of these things and more.

Sunday, April 01, 2007

Laro nga ba ito?


Kahit ako'y nahihirapan,
Ika'y aking pilit pinakikinggan
Maski na wala kang hangad
Na kapitan ko ang iyong palad

Nakakatawa ako
Di magawang aminin ang pagsuko
Kahit sabihin mo sa aking mukha
Sa iyo wala na akong pag-asa

Sa iyo ako'y nalilito

Naiiwan akong parang sinto-sinto
Gusto mo ba talaga akong kausapin
Kahit na ang totoo'y dapat mo ako paalisin?

Ano ba talaga'ng gusto mong mangyari?
Tayo'y mag-away o kaya'y magkabati?
Wala na akong laang oras pa
Upang sa laro mo'y makisama

Sa laro mong ito walang nananalo
Nabibiyak lamang kayraming puso
Pagod na ako sa paulit-ulit na paglahok
At maya-mayang pagkain ng alikabok

No comments:

Powered By Blogger