"Balang araw..."
Balang araw, makikita mo ring
Wala nang ibang magnanais makinig
Sa iyong saloobin, sa iyong mithiin,
Sa lahat ng nais mo sanang sabihin
Balang araw, darating din ang panahon
Kung saan luluwag nang husto
Ang kaba sa puso mong nakatago
Ako'y nagpapakatanga
Bawat minuto, bawat oras
Dahil sa walang-sawang paghanga
Sa lahat ng bagay na iyong winawaldas
Kailan kaya darating ang araw
Na tayo'y magbabaliktad ng landas?
Titigan mo ng may galak ang aking tsinelas
Ngitian ng marikit ang simpleng kilos ko
Pansinin kaya kita
O kaya'y tuluyang ibale-wala?
Balang araw, malalaman mo rin
Halaga ng taong gustong maging saksi
Sa kagandahan ng iyong kapayakan,
Sa simpleng kasiyahan na nabuhay ka
Hiling ko na lang sana'ng
Magsalita na si Bathala
At isulat niya sa mga bituin
Na ako'y matutunan mo ring mahalin
Balang araw...===
I haven't written anything like this in a while. The whole time I was writing it, a poignant melody was playing in my head, the likes of which you can listen to from Sugar Free. It'd be nice if this could become a song, but I guess I'm not quite there yet as a songwriter.
No comments:
Post a Comment